Comics: Guidance Counselor Malou

Kapansin-pansin ang pagiging malusog ni Guidance Counselor Malou. Itinataguyod nya ang kahalagahan ng kalusugan sa iba’t ibang aspeto: sa pangangatawan, sa kaisipan, at sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kilala rin si Guidance Counselor Malou sa pagiging malumanay lalo na sa pakikitungo sa mga bata. Malugod niyang tinatanggap ang mga mag-aaral sa kanyang opisina, upang gabayan sila sa kanilang mga katanungan patungkol sa pag-aaral at sa buhay.